Kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 401,000 na

58

Umakyat na sa 401,416 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng panibagong 1,672 kung saan naitala ang mga bagong kaso sa Cavite, Davao City, Quezon City, Batangas at Baguio City.


Ang active cases naman ay 31,489 o 7.8%.

311 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 362,217 o 90.2%.

49 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 7,710 o 1.92%.

83.3% ang mild cases, 9.4% ang asymptomatic habang 4.6% ang nasa kritikal na kalagayan at 2.5% ang severe cases.




Facebook Comments