Kaso ng COVID-19 sa bansa, malapit nang pumalo sa 377,000

45

Pumalo na sa 376,935 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong kaso na 1,761.


39,940 naman ang active cases o 10.6%.

740 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 329,848 o 87.5%.

33 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 7,147 o 1.90%.

83.3% naman ang mild cases, 10.9% ang asymptomatic habang ang critical cases ay 3.7% at ang severe cases ay 2.1%.




Facebook Comments