Kaso ng COVID-19 sa bansa, malapit nang pumalo sa 392,000

50

391,809 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

2,092 ang bagong nadagdag sa mga kaso kung saan naitala ito sa Davao, Quezon City, Quezon Province, Northern Samar at Cavite.


Ang aktibong kaso naman ngayon ay nasa 34,374 o 8.8%.

462 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 349,974 o 89.3%.

52 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 7,461 o 1.90%.

Samantala, ang mild cases ay 83.6%, ang asymptomatic ay 9.8% habang ang nasa kritikal na kalagayan ay 4.2% at ang severe cases ay 2.4%.




Facebook Comments