Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 433 – DOH

60

Umabot na sa 2,838,640 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala pa ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 433 na karagdagang kaso.

Samantala, 9,522 naman ang nananatiling aktibong kaso matapos na 283 indibidwal pa ang naitalang gumaling.


Sa kabuuan, pumalo na sa 2,777,918 ang total COVID-19 recoveries.

Habang 13 ang nadagdag sa mga pumanaw kung kaya’t aabot na ngayon sa 51,200 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.

Walong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Facebook Comments