Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nananatiling mababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa harap ito ng pagkakapasok sa bansa ng Omicron variant BA 2.12.
Kinumpirma rin ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hanggang ngayon ay hindi pa rin itinuturing ng World Health Organization (WHO) na variant of concern o variant of interest ang BA 2.12.
Naniniwala rin si Vergeire na ang consistent na mababang kaso ng COVID-19 sa bansa ay bunga ng pagsunod ng publiko sa minimum public health standards at bunga ng matagumpag na bakunahan kontra COVID-19.
Ayon sa DOH, 75% na populasyon na ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.
Kabilang na rito ang 6.7 milyong senior citizens at 8.9 milyong immunocompromised na indibidwal.
Facebook Comments