Kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakalipas na isang linggo, bumaba ng 4%!

Bumaba ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa loob ng isang linggo.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula November 28 hanggang December 4 ay nakapagtala ng 7,731 na kaso ng sakit ang bansa.

Dagdag pa ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,104, kung saan mas mababa ng 4 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Nobyembre 21 hanggang 27 na 8,032.


Sinabi pa ng ahensya na sa mga nasabing bagong kaso ay dalawa sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, nakapagtala naman ng 134 na pumanaw, kung saan 19 sa mga ito ay noong Nobyembre 21 hanggang Disyembre 4.

Facebook Comments