Kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy pang tataas – Department of Health

Magpapatuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) sa kabila ng ipinatupad na pinakamahigpit na lockdown sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa projection ng ahensiya ay inaasahang hindi pa huhupa ang mga kaso sa mga susunod na araw.


Maliit lamang din aniya ang naging epekto ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng virus kumpara sa mga unang ipinatupad noon na mahigpit na quarantine.

Facebook Comments