Nagbabala si Dr. Darwin Bandoy ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na posibleng pumalo sa 76,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Dr. Bandoy na maaari pa itong mabago depende sa behavior ng mga tao.
Kapag sumunod aniya sa health protocols ang mga tao ay maaaring bumaba na ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.
Ayon pa kay Dr. Bandoy, kapag bumababa na ang positivity rate, nangangahulugan ito na nag-iimprove na ang pagdetect ng bilang ng kaso at kakaunti na ang nagkakasakit.
Target din aniya nila na mapababa ang positivity rate kahit na tumaas ang testing capacity ng bansa.
Sa ngayon, ay nasa 26,000 kada araw ang testing capacity sa bansa.
Facebook Comments