Kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng pumalo sa kalahating milyon sa pagtatapos ng 2020

Posibleng pumalo sa 585,000 ang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng 2020.

Ito ay matapos palawigin ng University of the Philippines (UP) COVID-19 Pandemic Response Team ang kanilang projection hanggang sa December 31 ngayong taon.

Ayon sa UP experts, maaari namang bumaba sa 402,000 ang detected cases ngunit posible rin pumalo sa 767,000.


Inaasahan namang aakyat sa sampung libo ang masasawi na may projected average na 7,500.

Facebook Comments