Posibleng pumalo sa 330,000 hanggang 375,000 ang bilang ng mga magpopositibo sa COVID-19 sa katapusan ng Setyembre.
Ayon kay UP Professor Ranjit Rye, bagama’t sa unang tingin ay malaki ito, mababa pa rin ang bilang na ito.
Aniya, kapag ang reproduction rate ng isang sakit ay katumbas o mas mababa sa 1%, ito ay stable at buhay pa pero hindi na makapagdudulot ng pandemya.
Kung ito naman ay mahigit sa 1%, ito ay nakahahawa pa.
Paliwanag pa ni Rye, ang 1 hanggang 1.1% na reproduction rate ay mas mababa na mula sa 1.5% noong mga nakaraang linggo.
Sinabi naman ni UP Professor Guido David, pababa na rin ang positivity rate o ang bilis ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Nakikitaan na rin ng senyales ng pagbaba ang occupancy rate ng mga hospital bed at ICU sa bansa.