Kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng umabot sa 5,000 hanggang 10,000 kada araw – OCTA Research Group

Posibleng makapagtala muli ang bansa ng 5,000 hanggang 10,000 na kaso ng COVID-19 sa kada araw sa mga susunod na linggo.

Ito ay matapos makapagtala ang bansa ng mga kaso ng Omicron subvariants.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, walang naging epekto sa bilang ng mga naitatalang kaso ang nakalipas na eleksyon.


Aniya, ang posibleng epekto ng BA2.12.1 at BA.4 subvariant ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Bagama’t hindi nila inaalis ang posibilidad na “breakthrough infection” o yung mga bakunado na pero tinamaan pa rin ng COVID-19, sinabi ni David na ang mga Omicron subvariant ay mahihirapang makalusot sa “wall of immunity” ng bansa.

Facebook Comments