Pitumpu’t tatlong (73) panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas ngayong araw.
Dahil dito, umabot nasa 380 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit.
Umakyat naman sa 25 ang bilang ng nasawi habang 15 na ang naka-recover.
Paliwanag ni Department of Health (DOH) Under Secretary Maria Rosario Vergeire, ang pagtaas sa bilang ng confirmed COVID-19 cases ay dahil nag-i-stabilize na ang kapasidad ng mga laboratoryo na makapagsagawa ng test.
Una nang sinabi ng doh na makakapagsagawa na sila ng 1,000 COVID-19 testing kada araw matapos na maging operational ang ilang sub-national laboratories sa bansa.
Giit ni DOH Secretary Francisco Duque III, tanging mga kwalipikado at sertipikadong laboratory lang ng research institute for tropical medicine ang maaaring magsagawa ng test dahil sa “potential hazards” nito.