Kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 4,428

Nadagdagan ng panibagong 233 kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Sa kabuuan, umakyat na sa 4,428 ang kaso ng positibo ng COVID-19 habang nakapagtala ng panibagong 26 patay kung kaya’t lumobo na sa 247 ang bilang ng namatay sa nasabing sakit.

Nakapagtala naman ng 17 ang gumaling kung kaya’t nasa 157 na ang kabuuang bilang nito.


Samantala, nadagdagan ng dalawang kaso ang bilang ng nagpositibo sa hanay ng kapulisan kung kaya’t umabot na sa 27 ang kabuuang bilang nito.

Facebook Comments