Kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo, tumaas ng 7%

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 15,314 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Oktubre 10 hanggang 16.

Ito ay may kabuuang average na 2,188 kaso kada araw o mas mataas ng 7 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 3 hanggang 9.

Sa mga bagong kaso, 4 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.


251 naman ang bilang ng mga binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Kahapon, ika-16 ng Oktubre 2022, 690 na malubha at kritikal na COVID patients ang naka-admit sa mga pagamutan.

Facebook Comments