Kaso ng Covid 19 sa BARMM higit 100 na!

30

Abot na sa 104 ang kaso ng Covid 19 sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinasabing karamihan sa mga ito ay mga ROF at LSI ayon pa kay Inter Agency Task Force on Covid -19 ng BARMM Spokesperson Asnin Pendatun sa panayam ng DXMY.
Pinakamaraming naitala sa Lanao Del Sur na may 74 na kaso, sinundan ng Maguindanao 21, Basilan 6 , Sulu 3 habang Covid Free pa rin ang Tawi-Tawi.
Mula sa 104 cases, 44 na ang nakakarekober, 4 ang namatay habang 52 ang active cases na kasalukuyang naka admit sa mga pagamutan.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments