Aabot na sa halos 11 milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa datos mula sa World Health Organization (WHO), nasa 10,922,300 ang global cases ng COVID-19, nasa 5,619,700 ang gumaling habang nasa 522,246 ang namatay.
Karamihan sa mga bansa ay nagsasagawa lamang ng test sa mga symptomatic o mayroong severe cases.
Ang Estados Unidos ang pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 na may 2.7 million cases, kasunod ang Brazil na may 1.4 million cases, United Kingdom, Italy at France.
Ang bansang may pinakamataas na bilang ng mga namatay sa COVID-19 ay ang Belgium, kasunod ang UK, Spain, Italy at Sweden.
Pinakamarami ang naitalang namatay sa Europe, sinundan ito ng US at Canada, Latin America at Carribean, Asia, Middle East, Africa at Oceania.
Facebook Comments