Kaso ng COVID-19 sa buong mundo, higit 28.75 milyon na

Sumampa na sa mahigit 28.75 milyong indibidwal ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 918,894 na ang napaulat na namatay.

Nangunguna pa rin ang United States sa mga bansang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na nasa 6,500,589 at bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na umabot na sa 193,735.


Sinundan ito ng India (4,659,984 cases and 77,472 deaths); Brazil (4,315,687 cases and 131,210 deaths); Russia (1,057,362 cases and 18,484 deaths) at Peru (722,832 cases and 30,593 deaths)

Habang pang-22 sa listahan ang Pilipinas na may 257,863 cases at 4,292 deaths.

Facebook Comments