Kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley, Umabot na sa 2,160

53

Cauayan City, Isabela*- *Pumalo na sa mahigit 2 libo ang kabuuang kaso ng COVID-19 asa rehiyon dos.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, umabot na sa 2,160 ang total COVID-19 cases sa rehiyon matapos madagdagan ng tatlumpu’t limang (35) panibagong kaso.

Mula sa 35, isa (1) ang naitala ng probinsya ng Cagayan, isa (1) sa Santiago City at tatlumpu’t tatlo (33) sa Isabela.

Kasabay nito, nakapag-ulat naman ang buong region 2 ng dalawampu’t anim (26) na nakarekober na naitala mula sa Cagayan, Isabela, Santiago City at Nueva Vizcaya.

Labing isa (11) ang gumaling mula sa Cagayan, pito (7) sa Isabela, dalawa (2) sa Santiago City, at anim (6) sa Nueva Vizcaya.

Umakyat naman sa 427 ang active cases sa rehiyon, 1,698 ang recoveries at 35 ang nasawi.

Facebook Comments