Bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon).
Ito ay kasabay ng pagbagal din ng reproduction number o antas ng hawaan ng virus sa National Capital Region (NCR) na nasa 0.87 na lamang.
Ayon sa OCTA, nakragpagtala sila ng negative growth rate nitong nakaraang pitong araw sa Calabarzon.
Pero sa kabila nito, nananatiling high risk ang Cavite, Rizal, Laguna at Batangas dahil sa testing positivity rate.
Maliban sa Calabarzon, nasa critical level na rin ang health care utilization sa Cagayan Valley at CARAGA.
Habang nasa high-risk level ang MIMAROPA, Bicol region, at Zamboanga Peninsula.
Sa ngayon, bumaba na rin sa 200 hanggang 300 ang natatanggap na tawag kada-araw sa One-Hospital-Command Center.
Karamihan ng mga tawag ay nagmula sa Metro Manila at Calabarzon.