Sumampa na sa 4,479 ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City matapos makapagtala ng 30 bagong kaso.
Batay sa datos ng Cebu City Health Department (CCHD), ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay nasa 2,177, at umakyat na sa 89 ang bilang ng namatay.
Ang mga bagong naitalang recoveries ay naitala sa Labangon, habang ang mga bagong fatalities ay naitala sa Basak San Nicolas, Duljo, Labangon, Mambaling, Tejero, at Tisa.
Ayon sa CCHD, mayroong 2,213 active cases ang sumasailalim sa quarantine o treatment.
Ang Cebu City pa rin ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa, kasunod ang Quezon City na may higit 3,000 kaso ayon sa Department of Health (DOH).
Facebook Comments