Bumaba ang naitalang bilang ng COVID-19 cases sa Ilocos Region sa huling linggo ng Oktubre ayon sa Department of Health Center for Health Development 1.
Sa datos na inilabas ng kagawaran nasa 238 na kaso ang naitala mula October 23 hanggang October 29 kung saan 34 ang daily average cases.
Mas mababa ito sa 317 na kaso na naitala ng ahensya noong October 16 hanggang 22.
Mula sa mga bagong kaso walang naiulat na may malalang COVID-19.
Siyam naman ang kumpirmadong nasawi sa huling linggo ng Oktubre ayon sa DOH-CHD1.
Nanatili namang nasa safe level ang healthcare utilization rate ng rehiyon kung saan 38 sa nasabing kaso ang nanatili sa ICU. | ifmnews
Facebook Comments