Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng bagong positibong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, labing isa (11) ang naitalang New COVID-19 cases sa Isabela kung saan apat (4) ang bagong nagpositibo sa City of Ilagan, dalawa (2) sa Cauayan City, tatlo (3) sa Santiago City, isa (1) sa Alicia at isa (1) sa bayan ng Luna.
Kasabay ng mga naitalang bagong positibo, gumaling naman sa COVID-19 ang labing pito (17) na nagpositibo sa virus sa Lalawigan.
Sa ngayon, nasa 229 ang active cases ng COVID-19 sa Isabela.
Mula sa 229 na total active cases, apat (4) ang Returning Overseas Filipino (ROFs), walo (8) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), dalawampu’t isa (21) na Health Worker, tatlo (3) na Pulis, at 193 na maituturing na Local Transmission.