Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Nadagdagan Matapos Magpositibo ang Higit 400 Katao

Cauayan City, Isabela- Muling umarangkada ang bilang ng may sakit na COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela matapos madagdagan ng 446 na bagong positibong kaso.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 kaninang alas-6 ng umaga ngayong Lunes, September 20, 2021, umaabot na sa 4,474 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Isabela.

Mayroon namang 271 na naidagdag sa bilang ng mga gumaling na nagdadala ngayon sa 34,932 total recoveries habang may labing isa (11) na pumanaw na nagdadala naman sa 1,185 na total COVID-19 related deaths.


Sa kasalukuyan, nasa 40,591 na ang total cumulative cases ng COVID-19 sa Isabela.

Nangunguna pa rin ang Cauayan City sa may pinakamaraming active cases na aabot sa 514, sumunod ang bayan ng Angadanan na may 289 at pumapangatlo ang Santiago City na may 253 active cases.

Facebook Comments