Cauayan City, Isabela- Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong araw December 23, 2020, tatlumpu’t pito (37) na bagong kaso ng COVID-19 ang naiulat ngayong araw na nagdadala sa kabuuang bilang ng aktibong kaso na 445.
Mula sa 37 na new COVID-19 cases sa probinsya, labing tatlo (13) ang naitala sa Lungsod ng Ilagan; walo (8) sa Lungsod ng Cauayan; lima (5) sa Lungsod ng Santiago; apat (4) sa bayan ng Reina Mercedes; tatlo (3) sa bayan ng Roxas; at tig-isa (1) sa bayan ng Aurora, San Mariano, Echague at Naguilian.
Kasabay ng pagkakatala ng mga bagong kaso, gumaling naman sa nasabing sakit ang 31 na COVID-19 patients.
Mula sa bilang na 445 na active cases, sampu (10) ang mga Returning Overseas Filipino (ROF’s), labing pito (17) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), 43 na Health Worker, tatlo (3) na pulis at 372 na Local Transmission.