Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng labing anim (16) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lalawigan ng Isabela.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, labing anim ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ng Isabela kung saan anim (6) ang naiulat sa Lungsod ng Cauayan; lima (5) sa Santiago City; isa (1) sa Lungsod ng Ilagan at tig-isa (1) rin sa mga bayan ng Benito Soliven, Gamu, San Manuel at San Mariano.
Pero, nakapagtala naman ng dalawampu’t isang (21) COVID-19 patients na gumaling sa nasabing sakit ang probinsya ng Isabela.
Bagama’t araw-araw na nakakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ay bumaba naman ang aktibong kaso sa 189.
Mula sa 189 active cases, tatlo (3) rito ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs); apat (4) na Non-Authorized Persons Outside Residence (APORs); labing limang (15) health worker; walong (8) pulis at 159 na Local Transmission.