Cauayan City, Isabela- Pumapalo na sa 1,327 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.
Batay sa datos na inilabas ngayong araw, Abril 4, 2021 mula sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), nasa 173 na panibagong positibong kaso ang naitala sa probinsya habang 57 ang bagong naitalang gumaling.
Dahil sa bagong naitalang COVID-19 cases, umaabot na sa 8,093 ang total confirmed cases sa probinsya.
Sa bilang ng kumpirmadong kaso, 6,608 rito ang nakarekober habang 158 naman ang nasawi.
Mula naman sa bilang ng aktibong kaso, sumampa sa 1,127 ang bilang ng Local Transmission; 146 na Health Worker; 40 na kasapi ng PNP; 16 na Locally Stranded Individuals (LSIs); at isang Returning Overseas Filipino (ROF).
Facebook Comments