Kaso ng COVID-19 sa Kamara, 71 na

Umakyat na sa 71 ang bilang ng mga nagkasakit ng Coronavirus Disease sa Batasan Complex.

Sa huling ulat ni House Sec. Gen. Atty. Jose Luis Montales, isang consultant na nakatalaga sa Speaker’s Office ang pinakahuling nagpositibo sa COVID-19.

Huli itong pumasok sa Kamara noong August 24 at 25. 2020.


Agad itong naisailalim sa COVID-19 test nang makaranas ng pangangati at panunuyo ng lalamunan, panghihina ng katawan, sipon at pagkawala ng pang-amoy at panlasa sa pagkain.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng regular disinfection sa lahat ng gusali ng Mababang Kapulungan.

Facebook Comments