Kaso ng COVID-19 sa Kamara, umakyat na sa 16

Pumalo na sa 16 ang kabuuang bilang ng mga kawani ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, dalawa pang kaso ang naitala ngayong araw mula sa 14 na kaso kagabi.

Ang pang-labing lima na panibagong kaso ay isang congressional staff na pumasok noong July 2, 2020 at July 6, 2020.


Nakahalubilo naman ng Congressional Staff sa mga petsang iyon ang kongresista na hindi na pinangalanan at mga kapwa staff nito.

Ang ika-labing anim naman na kaso ay isang security staff na huling nagreport sa duty noong March 12, 2020.

Ang nasabing security ay may iniindang sakit sa bato.

Hiniling naman ni Montales na ipagdasal ang agarang paggaling ng mga ito gayundin ang kalagayan ng kanilang pamilya.

Facebook Comments