Kaso ng COVID-19 sa Kamara, umakyat na sa 18

Umabot na sa 18 ang bilang ng mga empleyado ng Kamara na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, pinakahuli sa kaso ng COVID-19 ang isang empleyado na nakatalaga sa Bills and Index Service.

Aniya, simula June 18, 2020 ay naka work-from-home na ang empleyado ngunit noong June 29, 2020 ay nagtungo ito sa kanilang opisina upang magsumite ng mga dokumento.


Samantala, ang naunang kumpirmadong COVID-19 case sa Internal Audit Department ay nagnegatibo na ngayon sa COVID-19.

Facebook Comments