Kaso ng COVID-19 sa Kamara, umakyat na sa 39

Umabot na sa 39 ang pinakahuling bilang ng mga empleyado ng Kamara na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Kinumpirma ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales ang dalawang positive cases ngayong araw.

Ang dalawang dagdag na COVID-19 cases ay kapwa staff na nakatalaga sa Speaker’s Office.


Ang ika-38 COVID-19 case ay pumasok pa noong July 28.

Nang araw din na iyon ay tatlong oras lamang itong nagtrabaho at agad umuwi matapos na makaramdam ng lagnat, pananakit ng katawan at pagkawala ng pang-amoy.

Sa ngayon ay mayroon na lamang itong ubo pero wala nang lagnat at nakakarecover na sa sakit.

Ang ika-39 na kaso naman ng COVID-19 sa Kamara ay huling pumasok noon pang March na nakaranas din ng kaparehong sintomas ng virus.

Kapwa din stable ang kondisyon ng mga empleyado at nagsasagawa na rin ng contact-tracing sa mga nakahalubilo ng mga ito.

Facebook Comments