Kaso ng COVID-19 sa Kamara, umakyat na sa 50

Umabot na sa 50 ang kaso ng mga empleyadong nagkakasakit ng COVID-19 sa Kamara.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, isang Congressional staff na babae ang nagkaroon ng impeksyon sa sakit.

Huli aniya itong pumasok sa Batasan Complex nitong August 17 at 18.


Hindi naman nagkaroon ng close contact ang pinakahuling kaso sa mga empleyado sa Mababang Kapulungan na naunang nagpositibo sa virus.

Kasalukuyan ngayon ang contact tracing sa mga nakahalubilong empleyado.

Tiniyak naman ng liderato ng Kamara ang regular na pagsasagawa ng disinfection sa mga gusali at opisina sa Batasang Pambansa.

Facebook Comments