Kaso ng COVID-19 sa labas ng NCR Plus, tumaas ng 200% – OCTA

Bagama’t bumababa ang COVID-19 cases sa Metro Manila, tumaas naman ng 200% ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa labas ng NCR Plus sa loob lamang ng walong araw.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa hindi lalampas sa 4,000 bagong kaso na naitala noong Enero 12 ay pumalo na ito sa halos 12,000 kahapon.

Samantala, nasa 1.58 na lamang ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus sa NCR habang bumaba na rin sa -20% ang weekly COVID-19 growth rate ng rehiyon.


Sa kabila nito, nasa ‘critical risk’ pa rin ng COVID-19 ang NCR.

Pero batay rin sa projection ng OCTA, posibleng bumulusok sa 3,000 hanggang 2,000 kada araw ang kaso ng NCR pagsapit ng katapusan ng Enero at hindi lalampas sa 1,000 sa Valentine’s Day.

Ayon kay David, bababa pa ito sa 500 pagsapit ng katapusan ng Pebrero.

Facebook Comments