KASO NG COVID-19 SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, NAKITAAN NG PAGTAAS; APATNAPU, NANATILING AKTIBONG KASO

Sa kabila ng mga nagdaang malalaking aktibidad at kapistahan sa iba’t ibang lugar sa Pangasinan nakitaan ngayon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang lalawigan.
Base sa pinakahuling monitoring ng Pangasinan Health Office, naitala ang nasa pitong kumpirmadong kaso noong mga nagdaang araw kung kaya’at umakyat na sa apatnapung kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Ang bilang na 27 kaso ay mula sa iba’t ibat lugar at bayan sa lalawigan kung saan na labing-tatlo naman ang galing sa Dagupan City.

Sa kabila ng mga kasong ito, ay nananatiling mahigpit ang monitoring at pagbabantay na patuloy na isinasagawa ng PHO iba’t ibat hospital.
Ayon kay Dr. Anna Maria Theresa De Guzman, Provincial Health Officer, karamihan umano sa mga naitalang kaso ay pawang mga asymptomatic dahil dito mahigpit ding pinapaalalahanan ang publiko sa probinsiya ugaliing gawin ang mga COVID-19 restrictions at mahigpit na pag-iingat sa mga nakakasalamuhang tao.
Dagdag pa niya, upang makaiwas at magkaroon ng kaunting tsansa n a madapuan ng sakit ito kailangang makakuha ng booster shot o bakuna.
Aniya pa, naniniwala ito na marami umanong indibidwal ang may sintomas ng sakit ngunit ayaw nang magpakonsulta dahil sa takot.
Samantala, kasabay ng pagbabantay ng PHO sa sakit na ito ay inilunsad naman ang isang programa ng ahensya na Supplemental Immunization Activity o Chikiting Ligtas na laban sa Measles, Rubella at Polio.
Kaya’t hinikayat din ng mga health authorities na tangkilikin ang programang ito upang maging protektado sa mga sakit na nabanggit. |ifmnews
Facebook Comments