Umaabot na lamang sa higit 1,000 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos na inilabas ng Manila Local Government Unit (LGU), nasa 1,082 na lamang ang naitatalang kaso ng virus sa lungsod na mas mababa kumapara sa higit 1,100 kahapon.
Karagdagang 179 naman ang naitalang nadagdag sa mga gumaling kung saan ang kabuuang bilang nito ay nasa 65,206 na.
Anim naman ang nadagdag sa nasawi kaya’t nasa 1,244 ang total nito habang ang kumpirmadong kasi ay nasa 67,532 na.
Nangunguna ang Tondo District 1 sa may mataas na bilang ng kaso na nasa 255; sinundan ng Sampaloc na nasa 198 at Malate District na may 135 na aktibong kaso.
Kaugnay nito, muling magkakasa ng first dose vaccination ang lokal na pamahalaan para sa mga A1 hanggang A5 category na gaganapin sa anim na district hospital.