Kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila, patuloy na tumataas

Umaabot na sa 128 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Sa datos ng Manila Health Department, nakapagtala ng karagdagang 29 na bagong kaso kung saan ang kabuuang bilang ng naitalang active cases ay nasa 117,463 na.

Kasalukuyan nakatutok ang Manila Health Department sa area ng Sampaloc na nakapagtala ng mataas na bilang ng nahawaan na nasa 31.


Maging ang ilang lugar sa Maynila na nakakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay tinututukan na rin ng Manila LGU tulad ng Sta. Mesa na may 18 kaso, San Andres na nasa 12, Malate-11 at Tondo-1 na nasa 10 kaso.

Dahil dito, muling umaapela ang Manila LGU sa bawat Manileño na mag-doble ingat upang hindi na dumami pa ang mahawaan ng sakit.

Ksabay nito, hinihimok ang lahat ng residente na samantalahin na ang pagbabakuna lalo na ang booster shot kung saan isinasagawa ito sa anim na district hospital, apat na malls at sa Kartilya ng Katipunan.

Facebook Comments