Kaso ng COVID-19 sa Makati City, patuloy na tumataas

Pumalo na sa 166 ang kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa Lungsod ng Makati.

Ito ay batay sa pinkagabagong tala ng Makati Health Department kahapon.

Base sa kanilang record, umabot na rin sa 470 ang persons under investigation (PUIs) at 302 persons under monitoring (PUMs).


Nasa 18 na pasyente naman ang nasawi at 19 naman ang mga taong gumaling na mula sa naturang sakit.

Kaya naman paalala ni Makati Mayor Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.

Dagdag pa niya na mangyaring tumawag sa sa kanilang hotline na 168 o (02) 8942 6843 kung sakaling makaramdam ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments