Kaso ng COVID-19 sa Makati, higit 9,500 na

Sumampa na sa 9,595 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa lungsod ng Makati.

Batay sa pinakabagong tala ng Health Office ng lungsod, 8,886 ay mga gumaling na sa naturang sakit habang nananatili sa 363 ang bilang ng mga nasawi.

Nasa 346 ay bilang naman ng active cases sa lungsod.


Payo ni Mayor Abby Binay sa mga residente ng lungsod na ipagbigay alam sa barangay health centers kung sila ay na-expose sa isang COVID-19 positive.

Paalala rin ng alkalde na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan upang maging ligtas.

Facebook Comments