Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong, pumalo na sa mahigit 400

Umakyat na sa 407 ang bilang ng positibo sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa Mandaluyong City.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng City Health Office o CHO nito.

Pito ang naidagdag sa kanilang listahan sa mga confirmed cases ng nasabing virus.


Sa 407 na bilang, 35 nito na ang mga nasawi at 68 naman ang mga nakarekober mula sa sakit na dulot ng virus.

Sa 710 naman na bilang ng suspected cases, 331 nito ay natapos na ang 14 days quarantine o cleared na at 45 naman ang nasawi.

Isa lang ang bilang ng probable cases.

Facebook Comments