Nadagdagan na naman ng ang bilang ng kaso ng confirmed case ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Mandaluyong City.
Sa nakalipas lang 12 oras, 17 na mga pasyente ang naidagdag sa listahan ng City Health Office o CHO ng lungsod na mga positibo sa COVID-19.
Kaya naman umabot na ito ng 311 ang kabuuang bilang.
27 na ang nasawi sa lungsod na dulot ng virus, pero mas marami naman ang mga gumaling na umabot na ang bilang sa 36.
Wala naman naitalang ang CHO para sa probable case, ngunit nasa 650 naman ang bilang ng mga indibidwal na nasa suspected cases.
Ang Highway Hills naman ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa lahat ng barangay ng Mandaluyong dahil mayroon itong 44 na kaso.
Facebook Comments