Bumaba na sa 37 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos ng Manila Health Department (MHD), unti-unti ng bumababa ang naitatalang tinatamaan ng nasabing sakit kung saan aabot sa 1,906 ang bilang ng nasawi matapos makapagtala ng limang indibidwal na namatay sa COVID-19.
Pumalo naman sa 112,268 ang bilang ng mga nakarekober at ang limang huling naitalang gumaling ay nakalabas na ng isolation facility o hospital at nakauwi na ng kani-kanilang tahanan.
Sa datos pa ng MHD, pinakamaraming naitalang nahawaan ng COVID-19 ay sa area ng Paco at Tondo-2 na nasa pito.
Anim naman ang naitalang kaso sa Sampaloc at Tondo-1.
Nasa apat aktibong kaso ang naitala sa Pandacan habang tig-tatlo sa Port Area, San Andrea at Sta. Ana kung saan tig-iisa sa Sta. Cruz, Sta. Mesa at Malate.
Wala naman ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga lugar ng Binondo, Ermita Intramuros, Quiapo, San Miguel at San Nicolas.