Unti-unting tumataas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos ng Manila Health Department, nasa 65 ang bilang ng tinamaan ng virus matapos madagdagan ng 11 bagong kaso.
Kaugnay niyan, patuloy na naka-monitor ang Manila Health Department sa mga lugar na nakakapagtala ng mataas na kaso.
Partikular ang bahagi ng Malate na may 12 kaso gayundin ang Sampaloc area na may 11.
Nananatili naman sa 1,944 ang bilang ng mga nasawi habang 114,552 na mga residente sa lungsod ang nakarekober sa nasabing sakit.
Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Maynila, may limang lugar naman dito ang walang naitatalang aktibong kaso.
Ito ay ang Binondo, Ermita, Port Area, Quiapo at Sta. Cruz.
Facebook Comments