Umaabot na sa higit 200 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos ng Manila Health Department, nasa 202 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso matapos makapagtala ng 42 karagdagang bagong kaso.
Sa naturang datos, nangunguna pa rin ang lugar ng Sampaloc na may mataas na bilang ng nahahawaan ng COVID-19 na nasa 36.
Sumunod dito ang area ng Malate na nasa 26; Tondo 2-22; Tondo 1 at Sta. Mesa na kapwa may 21; Sta. Ana- 18, Sta. Cruz- 14 at Paco na may 11 kaso.
Nakapagtala rin ng isang indibidwal na nadagdag sa mga nasawi kaya’t ang bilang nito sa ngayon ay nasa 1,952 na.
Umaabot naman sa 29 ang naitalang nadagdag sa mga nakarekober kung saan ang kabuuang bilang nito ay pumalo na sa 113,043.
Facebook Comments