Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tumaas ng 94 percent ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na 1 hanggang 2 linggo kumpara sa mga nakalipas na linggo.
Tinukoy ng DOH na kabilang ang Regions 7, 1, 10 at 2 sa mga high risk classification sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa nakapagtala ng mataas na ADAR o Average Daily Attack Rate na 10.27.
Sumunod ang Region 7 na 9.23, ang Region 1 na 8.62, Region 10 na 8.35 at ang Region 2 na nasa 7.47 ang ADAR.
Ang health care utilization rate rin sa limang rehiyon ay mula 51 hanggang 71 percent.
Bagama’t kasama sa nasa moderate risk classification ang Calabarzon, ito ang may pinakamataas na Intensive Care Utilization (ICU) rate na 75.56 percent kasunod ang Region 2 na nasa 71.23 percent nitong August 3.
Sa pangkalahatan naman, nananatili ang Pilipinas sa moderate risk classification.