Kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino abroad, nadagdagan ng 31 – DFA

Pumalo na sa kabuuang bilang na 9,239 Pilipino abroad ang tinamaan ng COVID-19 ayon sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nitong Hulyo 25 ay inanunsyo ng DFA na 31 ang nadagdag sa kaso habang nadagdagan naman ng 23 ang mga nakarekober sa virus.


Anim naman ang nadagdag sa mga namatay na may kabuuan ng bilang na 653.

Sa report ng DFA, umakyat na sa 5,410 ang mga gumaling sa sakit habang nasa 3,176 naman ang patuloy na sumasailalim sa gamutan.

Base pa sa datos, 812 na kaso na ang nakumpirma sa Asia at Pacific region habang 177 pasyente ang nagpapagaling; 629 na ang mga nakarekober; anim ang naiulat na nasawi.

Sa Middle east at Africa, nasa 6,632 na ang naitalang kaso habang 2,379 naman ang nagpapagamot.

Umabot na sa 3872 ang nakarekober at 381 naman ang nasawi mula sa nasabing sakit.

Sa Amerika naman ay mayroon ng kabuuang bilang na 705 kumpirmadong may COVID-19; 124 pasyente ang nagpapagamot; 410 ang nakarekober at 171 naman ang mga nasawi.

Nananatili namang nasa 1,090 ang kaso sa Europe; 496 pasyente; 499 na ang mga gumaling habang 95 naman ang mga namatay sa sakit.

Facebook Comments