Kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo, bumaba sa 20%

Bumaba sa 20% ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa, sa nakalipas na linggo.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mula June 26 hanggang July 2, nasa 2,747 na kaso ng COVID-19 sa bansa na katumbas ng 392 na arawang kaso.

Sa naturang kaso, 442 o 10.8% ang nasa kritikal na kondisyon, habang nasa 273 o 13.7% naman ang nasa ICU beds, at 17.7% ang non-ICU bed utilization rate.


Dahil dito, aabot na 6,925 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng dalawang kaso ng nasawi.

Facebook Comments