Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa.
Gayunman, patuloy naman ang pagbaba ng kaso ng infection sa Metro Manila at Mindanao.
Kinumpirma naman ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na nananatili ang pagbaba ng severe at critical cases ng COVID-19.
Maging ang ICU admissions aniya sa COVID-19 patients ay patuloy sa pagbaba.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng DOH na nananatiling nasa low-risk classification para sa COVID-19 ang buong Pilipinas.
Ang NCR naman aniya ay nananatili sa moderate risk classification
Facebook Comments