Higit 4,000 kaso ng COVID-19 kada araw ang maitatala sa Metro Manila sa katapusan ng Marso.
Sa report ng OCTA Research Group, nakikita nila ang mabilis na trend ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 bawat araw sa Metro Manila.
Resulta anila ito ng pagtaas ng reproduction number na kasalukuyang nasa 1.86.
Binigyang-diin ng grupo ang kahalagahan na makontrol ang pagkalat ng sakit para maiwasang umapaw ang kapasidad ng mga ospital sa Metro Manila, Cavite, Rizal at Bulacan.
Ang pagpapatupad ng localized lockdowns ay nakikitang epektibo na mapabagal ang pagtaas ng bagong kaso.
Inirekomenda rin ng OCTA ang iba pang restrictions tulad ng curfews, border controls, bawasan ang kapasidad ng ilang establisyimento, limitasyon sa social gatherings, at patuloy na pagsunod sa health protocols ng mga residente.