Tumaas ng 15% ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Sa Deparment of Health (DOH) media briefing, sinabi ni officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, na nasa 460 na kaso ng COVID-19 sa NCR ang naitatala kada araw.
Pero ayon kay Vergeire, nananatili pa rin sa low-risk classification ang Metro Manila, gayundin ang iba pang rehiyon sa bansa kung pagbabasehan ang hospital admission.
Samantala, inihayag naman ng opisyal na nakitaan ng kaunting pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang buong bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 1,181 na ang average daily cases ng Pilipinas, na mas mataas ng 6% mula sa nakalipas na linggo.
Facebook Comments