KASO NG COVID-19 SA PANGASINAN, NAKITAAN NG PAGBABA

Nakitaan ng pagbaba sa kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Pangasinan sa nakalipas na araw ayon sa Provincial Health Office.

Ang lalawigan ay nakapagtala na ng higit 14,000 na kaso ng nakakahawang sakit at higit 800 dito ang aktibong kaso. Kahapon, July 28 nakapagtala lamang ng 57 kaso kumpara noong mga nakaraang linggo na umaabot sa higit isang daan.

Sinabi ni Dra. Anna De Guzman, Pangasinan Provincial Health Officer, kinokonsiderang low risk ng National IATF ang probinsya dahil sa pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Umaasa si Dra. De Guzman na ito ay magpapatuloy upang maisagawa na ang recovery plan ng provincial government kontra COVID-19.


Muli namang hinikayat ng kagawaran ang mga Pangasinense na panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standard upang makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments