KASO NG COVID-19 SA PANGASINAN, PATULOY ANG PAGTAAS

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pangasinan matapos itong madagdagan ng 177 kaso noong ika-4 ng Oktubre.

Matatandaan na nagkaroon na ng pagbaba ng kaso noong nakaraang linggo ang lalawigan.

Sa inilabas na report ng Provincial Health Office, nakapagtala ang 809 na aktibong kaso ang lalawigan noong ika-27 ng Setyembre hanggang ika-29 ng buwan.


Bumaba ang kaso noong unang araw ng Oktubre na nakapagtala ng 178 na kaso lamang sa loob ng isang araw.

Sa ngayon ang lalawigan ay mayroon ng 1, 868 na aktibong kaso ng COVID-19.

Sampung bayan naman ang nasa PHO watchlist na kinabibilangan ng Sison, Bani, Alcala, Umingan, Malasiqui, Lingayen, Bayambang, Tayug, Calasiao at San Carlos City na nakapagtala ng mataas na kaso ng nakakahawang sakit.

Facebook Comments